Random Thoughts on “I’m Drunk, I Love You.”

Tagal ng nasa drafts ko nito. Finally, had the time to finish and hopefully, publish this. 

I love the film. Wasn’t expecting na mag-invest ako ng sobra emotionally but I did. I cried thrice. Nakakaloka.

Anyway, spoilers ahead πŸ™‚

1. The songs. My gulay. From Parokya’s Maniwala ka Sana to Sugarfree’s Burnout, mas pinatindi nung mga kanta sa pelikulang ito yung kapit ko sa karakter ni Carson. 

2. Because in reality, when you confess to your bestfriend that you are inlove with him, hindi mo naman gagamitin ang linyang “I’m so stupid for making the biggest mistake of falling inlove with my bestfriend” chorva with matching crying crying na may uhog pang tumutulo. 

Sasabihin mo lang na mahal mo siya at di ka makakatingin ng direcho sa mga mata niya kasi natatakot ka. Natatakot ka sa reaksyon niya. Natatakot ka sa mga pwedeng magbago sa inyong dalawa. 

3. Kasi at least once in our lives, naging martyr tayo para sa love. Kung hindi ka pa nakagawa ng katangahan ng dahil sa pag-ibig, binabati kita. Naway rumami ka pa dahil kokonti na lang kayo sa mundo. 

Yung mga ginawa ni Carson para kay Dio, nagawa ko na rin yun. Kaya kong gawin na parang nasa kabilang kanto lang ang Marikina, para sa taong mahal ko. 

Minsan sa buhay ko, nagmahal rin ako ng sobra ng walang hinihintay na kapalit. 

4. Time Check. Yung titiisin mo na lang lahat kahit gaano na katagal. Kahit seven years pa. Kasi hindi ka pa ready sa consequence. Kasi iniisip mo na baka mas hindi mo kayanin yung sakit kung sakaling lumayo siya kapag sinabi mo sa kanya. Kaya tiis-tiis na lang. Pakamartyr ka na lang muna kesa mawala siya agad sayo. Hanggang sa maging ready ka na.

5. Maraming paasa at maraming asyumera kapag inlove ka. Yung lahat ng ginagawa niya, binibigyan mo ng meaning. Akala mo mahal ka na rin niya kasi ikaw yung unang tatawagan niya kapag may kailangan siya. Sweet naman siya sayo. Nililibre ka niya. Kaso wala eh. Friendly lang talaga eh. 

6. Nung umamin si Carson tapos hinalikan siya ni Dio tapos hindi pumayag si Carson kahit sobrang lasing na siya. πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Gusto ko sapakin si Dio. Gusto ko yakapin si Carson. 

7. Bagnet. Dahil gusto mo maging masaya siya kaya susuportahan mo siya, ichicheer mo pa, kahit na sobrang nasasaktan ka na, ipagtetake-out mo pa. 

8. Dio’s line – “Ang hirap hindian ng taong minahal mo ng sobra dati.”

Truth, Koya. Ultimate Truth.

9. Yung totoong lost naman tayong lahat. Ako nga, 32 years old na, hindi ko pa alam anong plano ko talaga sa buhay. 

10. Because we all need a Jason Ty in our life. Yung kaibigan na hindi ka sasabihang pwede ba mag move on ka na. Yung kaibigan na naiintindihang mahirap yung pinagdaraanan mo. Papangaralan ka from time to time. Pero hindi ka mamadaliin. Hindi bibitawan yung mga kamay mo hanggang sa matapos ka sa kalokohan mo. 

11. “Ready ka na?” Irma to Maja

Hindi pa, Ma. Hindi pa ako ready. Huhuhu. This scene broke my heart. Dahil kakailanganin natin ng isang matinding iyak, biglaang buhos, isang malupit na bagsak, bago natin masabi na “Finally, Ma, opo, ready na ako.”

12. “Graduate na ako.” Gusto ko pumalakpak sa eksena na ito. Nakahinga ako ng maluwag para kay Carson. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko sabihin na, sa wakas, Carson. Sobrang masaya ako para sayo. Hindi diyan titigil ang mundo kasi tomorrow is another day.

13. Bakit nga ba tayo umiinom pag may problema ano? Isa, dalawang bote, okay na dapat eh. Pero naglalasing tayo. Para saan? Para makalimot sandali? Kasi ako hindi ko naman nakakalimutan. Mas tumatapang ako kapag lasing. Mas maingay ako, makulit kapag lasing. Pero naaalala ko pa rin yung problema ko. So again, bakit nga ba ako naglalasing?

14. Mapait yung beer. Sakit sa tiyan at sa ulo kapag sobra. Pero kung saktong amount lang yung iinumin mo, masarap. Swabe yung tama. Parang pagmamahal siguro. Dapat laging sakto lang ibigay mo para hindi masakit sa tiyan at sa ulo, para hindi mapait. 

-Ciao-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s